4th Article | Volume 02 | Issue 03

Pinoy ako, pero hindi Filipino Major: Pag-aaral sa Karanasan ng Guro sa Pribadong Paaralan    



Harold A. Magcalas

Teacher, La Consolacion University

Malolos, Bulacan, Philippines


Rosie L. Bautista

Teacher, La Verdad Christian College

Pampanga, Philippines


Leonora F. de Jesus

Associate Professor V, Bulacan State University

Bulacan, Philippines


Published: August 2024

DOI: https://doi.org/10.17613/828g-7k34

Abstract

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri ang mga karanasan at kalagayan ng mga guro sa Filipino na nagtuturo ngunit iba sa kanilang espesyalisasyon. Layunin nito na maunawaan ang mga hamon, pamamaraan ng pagtuturo, at mga hakbang na kanilang ginagawa upang mapaigting ang kanilang pagtuturo sa asignaturang Filipino. Sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga talatanungan hinggil sa kanilang demograpikong propayl, mga suliranin sa pagtuturo, at mga karanasan sa pag-iisip at pagsusulong ng mga solusyon, ang pananaliksik ay nagpakita ng mga impormasyon na makakatulong sa pagpapalakas ng kalidad ng edukasyon sa asignaturang Filipino sa mga pribadong paaralan. Ito ay ginamitan ng deskriptibong-korelasyonal na paraan ng pagsusuri at ang estrukturang pang-eksperimentong mixed method ang gagamitin sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito. Gumamit ng purposive sampling ang mga mananaliksik kung saan sampung (10) mga guro sa isang pribadong paaralan ang sumailalim sa pagsagot ng pasulat na pakikipanayam at sa istandardisadong talatanungan na binuo ayon sa anyo ng likert scale. Lumalabas sa isinagawang pag-aaral na ang mga gurong out-of-field na nagtuturo ng Filipino ay nasa ilalim ng kursong BSED na nagpapakadalubhasa sa asignaturang Ingles at BEED. Sila ay nasa pagitan ng 30 hanggang 32 taong gulang at may katagalan na sa serbisyo ng pagtuturo. Lumilitaw sa pag-aaral na walang makabuluhang ugnayan ang demograpikong profayl ng mga gurong out-of-field sa antas ng suliraning kinahaharap sa istratehiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino at natuklasan na sa pamamagitan ng iba’t ibang mga pamamaraan at programa, maaaring mas mapaunlad ang kalidad ng edukasyon na kanilang maibibigay. Dito ay nagbigay sila ng mga mungkahi na maaaring isagawa ng mga kinauukulan upang sila ay matulungan at mapalawak pa ang mga kasanayan. Ang ilan sa mga ito ay ang pagsasagawa ng mga seminar, workshop, at pagsasanay na kaugnay sa kanilang mga asignaturang itinuturo. Hindi masasabing walang kakayahan ang mga gurong out of field na ituro ang asignaturang Filipino kung pagbabatayan ang resulta ng isinagawang pag-aaral, sa katunayan marami silang mga paraang naiisip na maaaring gawin kung mabibigyan lamang sila ng pagkakataon na maihayag ang kanilang mga mungkahing solusyon upang mas mapagbuti ang kailidad ng kanilang pagtuturo sa loob ng klase.

Keywords: out-of-field, asignaturang Filipino, mga guro sa Filipino, pribadong paaralan 

How to cite:

Magcalas, H., Bautista, R., & De Jesus, L. (2024). Pinoy ako, pero Hindi Filipino Major: Pag-aaral sa Karanasan ng Guro sa Pribadong Paaralan. International Journal of Multidisciplinary Educational Research and Innovation. 2(3), 43-57. https://doi.org/10.17613/828g-7k34.

References: 

Anez, R. (2022, May 8). Pananaw at danas ng mga gurong Filipino: Batayan sa pagbuo ng plan of action. SlideShare. https://www.slideshare.net/AJHSSRJournal/pananaw-at-danas-ng-mga-gurong-filipino-batayan-sa-pagbuo-ng-plan-of-action

Augusto Jr., W. S. (2020). Sulyap sa Buhay ng mga Gurong Nagtuturo ng Filipino bilang Out-of-field: Isang Penomenolohikal na Pagsusuri. The Normal Lights, 14(2). https://doi.org/10.56278/tnl.v14i2.1651

Barberos, M., Gazaro, A., & Padayogdog, E. (2019). The Effect of the Teacher's Teaching Style on Students' Motivation. https://steinhardt.nyu.edu/departments/tQeachingandlearning/research/practitioner-action-research/effect-teachers-teaching

Benito, J. (2023). Kahandaan ng guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa antas sekondarya. Global Scientific Journal.https://www.globalscientificjournal.com/researchpaper/Kahandaan_ng_Guro_sa_Pagtuturo_ng_Asignaturang_Filipino_sa_Antas_Sekondarya.pdf

Bernardo, A. B. I., Wong-Fernandez, B., Macalaguing Jr, M. D., & Navarro, R. C. (2020). Filipino senior high school teachers' continuing professional development attitudes: Exploring the roles of perceived demand amid a national education reform. Journal of Research, Policy & Practice of Teachers & Teacher Education, 10(2), 63–76. https://doi.org/10.37134/jrpptte.vol10.2.5.2020

Blazar, D., & Kraft, M. A. (2016). Teacher and teaching effects on students' attitudes and behaviors. Educational Evaluation and Policy Analysis, 39(1), 146–170. https://doi.org/10.3102/0162373716670260

Burroughs, N., Gardner, J., Lee, Y., Guo, S., Touitou, I., Jansen, K., & Schmidt, W. (2019). Teaching for Excellence and Equity Analyzing Teacher Characteristics, Behaviors and Student Outcomes with TIMSS. https://link.springer.com/book/10.1007/978-3-030-16151-4

Coronel, J. A. (2019). Mga Suliraning Nararanasan at Akmang Pagsasanay para sa mga Gurong Hindi Nagpakadalubhasa sa Asignaturang Filipino.

Du Plessis, A., & McDonagh, K. (2021). The out-of-field phenomenon and leadership for wellbeing: Understanding concerns for teachers, students and education partnerships. International Journal of Educational Research, 106, 101724. https://doi.org/10.1016/j.ijer.2020.101724

Fischler, A. S. (2017). Mixed Methods. NOVA Southeastern University. https://education.nova.edu/Resources/uploads/app/35/files/arc_doc/mixed_methods.pdf

Ibay, R. M. (2021, January). Kakayahan ng mga Guro sa Filipino: Susi sa Pagpapayaman ng Kaalaman sa Gramatika ng mga Mag-aaral. ResearchGate. https://www.researchgate.net/publication/348349990_Kakayahan_ng_mga_Guro_sa_Filipino_Susi_sa_Pagpapayaman_ng_Kaalaman_sa_Gramatika_ng_mga_Mag-aaral

Javier, J. (2021). Makabagong Pamamaraan ng Pagtuturo ng Filipino sa Bagong Kadawyan. https://www.researchgate.net/publication/356961725_Makabagong_Pamamaraan_ng_Pagtuturo_ng_Filipino_sa_Bagong_Kadawyan

Juancho, C. (2021). Makabagong Pamamaraan sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino: Pagtataya sa Teknolohikal, Pedagohikal at Kaalamang Pangnilalaman. Asia Pacific Journal of Management and Sustainable Development, 9(1), 2782–8557. https://research.lpubatangas.edu.ph/wp-content/uploads/2022/02/APJMSD-2021-01-001a.pdf

Kwak, Y. (2019). Secondary school science teacher education and quality control in Korea based on the teacher qualifications and the teacher employment test in Korea. Asia-Pacific Science Education, 5(1). https://doi.org/10.1186/s41029-019-0040-0

Lacanlale, C. (2013). Ningas ng sulo ng mga natatanging gurong di-medyor sa Filipino sa maalong dagat ng pagtuturo. https://rpo.ua.edu.ph/wp-content/uploads/2020/06/5.-Celia-R.-Lacanlale-137-198.pdf?fbclid=IwAR0f_1kpkhOezUkR1cCRJz3aRqj-tzAXaB07ywDdBav-KCCgPM9lGw_50A0

Lopez Jr., H. B., & Roble, D. B. (2022, November 3). Sambe, M. (2015). Out-of-field teaching. The African perspective. Retrieved from http://www.tapmagonline.com/out-of-field-teaching-by-mariam-sambe/

Lopez, R. (2021, December 21). Pagtuturo ng Asignaturang Filipino Ngayong Online Class. ResearchGate. https://www.researchgate.net/publication/356853584_Pagtuturo_ng_Asignaturang_Filipino_Ngayong_Online_Class

O'Meara, N., & Faulkner, F. (2021). Professional Development for Out-of-Field Post-Primary Teachers of Mathematics: An Analysis of the Impact of Mathematics Specific Pedagogy Training. Irish Educational Studies, 16 Mar., 1–20. https://doi.org/10.1080/03323315.2021.1899026

Orale, R. L., & Sarmiento, D. H. (2016). Senior High School Curriculum in the Philippines, USA, and Japan. Journal of Academic Research. https://www.researchgate.net/publication/318494693_Senior_High_School_Curriculum_in_the_Philippines_USA_and_Japan

Schoonenboom, J., & Johnson, R. B. (2017). How to Construct a Mixed Methods Research Design. KZfSS Kölner Zeitschrift für Soziologie und Sozialpsychologie, 69, 107–131